𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗢𝗡𝗘 𝗜𝗡 𝗧𝗔𝗜𝗪𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥

Nabigyan ng pagkakataong makibahagi ang mga residente ng Ilocos Sur sa ginanap na One in Taiwan Job Fair sa Vigan City.

Kabuuang 2, 330 na mga residente ang sumalang sa iba’t-ibang job opportunities na Taiwan based bilang mga aspiring factory worker.

Bahagi ang naturang aktibidad sa hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtaguyod sa usaping employment sa pamamagitan ng nabuong ugnayan nito katuwang Manila Economic & Cultural Office, Pre-employment and Government Placement Bureau of the Department of Migrant Workers at Migrant Workers’ Office sa Taipei.

Samantala, wala namang inisyu na anumang placement fee sakaling ituloy ng mga aplikante ang trabaho sa Taiwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments