Matagumpay na naipamahagi sa mga iskolar na mag-aaral sa ikatlong distrito ng Pangasinan ang cash grant mula sa isang programa ng Commission on Higher Education o CHED.
Sa tulong ng opisina ng ikatlong distrito ng probinsiya katuwang ang CHED ay naipamahagi ang kabuuang ₱25, 000 na cash grant sa isang daan at tatlumpung (130) na mga college students mula sa mga bayan ng Bayambang, Calasiao, Malasiqui, Mapandan, Santa Barbara at San Carlos City.
Ang naturang cash grant ay sa ilalim ng programa ng ahensya na CHED-Student Monetary Assistance for Recovery and Transition (SMART) Grant.
Ito ay upang matulungan ang mga mag-aaral na lubhang naapektuhan ng pandemya sa pamamagitan ng pagtutuloy ng kanilang mga pag-aaral.
Ipinanawagan naman sa mga mag-aaral na sana gamitin ito sa kanilang pag-aaral at gawing inspirasyon ang tulong na ito na ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulang pangarap na makapagtapos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨