𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗙

Patuloy na nararanasan ng mga hog raisers sa mga barangay ng La Union ang epekto ng pagtama ng African Swine Fever o ASF sa mga alagang baboy.

Ayon kay DA-Ilocos Regulatory Division Chief at ASF focal person Dr. Alfiero Banaag, nasa isang daang at tatlumpo’t-dalawa hog raisers ang naapektuhan ang kanilang kabuhayan. Ang labingpito mula sa tatlumpo’t-anim na mga villages sa bayan ng Balaon, La Union ay nakumpirmang nakapagtala ng kaso ng ASF habang mayroon ding dalawa sa San Fernando City ang natamaan din ng sakit.

Nasa higit pitong daang mga baboy na rin ang sumailalim sa culling operation upang matiyak na hindi kakalat ang ASF sa ibang pang mga piggery farms sa lalawigan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments