π—›π—œπ—šπ—œπ—§ π—œπ—¦π—”π—‘π—š π——π—”π—”π—‘π—š π—£π—˜π—§ 𝗒π—ͺπ—‘π—˜π—₯𝗦 𝗦𝗔 π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘, π—‘π—”π—žπ—œπ—‘π—”π—•π—”π—‘π—š 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—•π—₯π—˜π—‘π—š π—”π—‘π—§π—œ π—₯π—”π—•π—œπ—˜π—¦ 𝗩𝗔𝗫 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜

Nakinabang ang nasa higit isang daang pet owners sa bayan ng Mangaldan sa isinagawang libreng Anti-Rabies Vaccination Drive ng lokal na pamahalaan nito.

Sa pagsasagawa ng naturang vaccination drive ay anging katuwang rin ng LGU Mangaldan ang Municipal Agriculture Office kung saan binigyang serbisyo publiko ang mga kababayan nilang may mga alagang hayop at nangangailangan ng anti-rabies vaccination.

Nabakunahan ang eksaktong 120 na mga alagang aso at pusa sa Barangay David.

Ayon naman sa tala ng MAO, nasa 236 na aso at 60 na pusa ang nabakunahan na nila sa nasabing Barangay.

Sa mag hindi pa nakakapagpabakuna ng kanilang mga hayop, maiging umantabay lamang umano sa tanggapan ng Public Information Office – Mangaldan, Pangasinan FB page nang sa gayo ay maging update ang mga residente sa pagronda ng Free Anti-Rabies Vaccination Drive ng LGU Mangaldan sa mga barangay. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments