๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐— ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข ๐—ก๐—”

CAUAYAN CITY- Natapos na ang road concreting ng mahigit isang kilometrong daan sa Brgy. Buyon, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Johnny Agraan, buwang Oktubre noong nakaraang taon nang matapos ang naturang proyekto kung saan nagmula ang pondo nito mula sa Department of Agriculture na nagkakahalaga ng P20M.

Aniya, sakop nito ang mabato at malubak na kalsada mula Purok 1 hanggang Purok 7 ng kanilang barangay.


Dagdag pa niya, matapos ang proyekto muling nagsagawa ng inspeksyon ang hanay ng Department of Agriculture sa natitirang tatlong daang metro na hindi pa sementado upang ito ay muling pondohan.

Samantala, labis naman na nagpapasalamat si Kapitan Agraan sa hanay ng DA dahil mas naging mabilis ang kanilang transportasyon lalo na ang mga aning produkto patungo sa bayan.

Facebook Comments