Naipamahagi sa mahigit isang libong mga estudyante mula sa Pangasinan State University campuses ang financial grant mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.

Nasa sampung libong piso bawat isa ang natanggap ng kabuuang isang libo, dalawang daan at anim na mga provincial scholar ng institusyon.

Mula ang mga ito benepisyaryo sa PSU Lingayen, Urdaneta, Asingan, Alaminos City, Binmaley, Bayambang, Infanta, San Carlos City at Sta. Maria.

Mensahe ni Pangasinan Gov. Guico III sa mga estudyante na magpursige sa pag-aaral dahil patuloy ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga kabataang Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments