𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘𝗡𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗘𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗛𝗖 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗢𝗦𝗔𝗡

Mahigit isang libo ng mga residente sa lungsod ng Dagupan partikular sa Eastern Barangay ang nakinabang na sa serbisyong medikal ng bagong bukas na Super Health Center sa Brgy. Bolosan.

Ilan sa mga serbisyong napapakinabangan ay ang Consultation, Dental Services, Animal Bite, PhilHealth E-Konsulta program at marami pang iba.

Bukas ang naturang health facility sa mga residente na mula sa mga barangay ng Mangin, Bolosan, Salisay, Tambac, Tebeng at Mamalingling.

Patuloy pang pinapalawig sa lungsod ng Dagupan ang mga serbisyong pangkalusugan lalong lalo na para sa mga indigent Dagupeños. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments