Sasalang sa iba’t-ibang writing category ang mga Campus Journalists (CJs) mula sa iba’t-ibang paaralan na kabilang sa Schools Division Office (SDO) Dagupan. Tinatayang nasa mahigit isang libong mga mamamahayag mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa elementary at secondary level ang lalahok sa naturang conference.
Sa panayam ng IFM News Team kay Lucao Elementary School Principal Jeryllee Tolentino, bilang host school ng DSPC 2024, puspusan ang isinagawang paghahanda ng pamunuan lalo pa dahil sa naranasang pag-uulan na dala ni Bagyong Kristine maging ang Bagyong Leon. Mula sa orihinal na petsa sana ng aktibidad na Oct 28 hanggang 30, inilipat ito sa mula November 4 hanggang 6.
Samantala, ilan sa mga sumusunod na writing categories na pakikipagtunggali ng mga CJs ay ang Editorial cartooning, Photojournalism, Sports Writing, Online Publishing, Collaborative Desktop Publishing, News Writing, Editorial Writing, Radio Broadcasting, TV Broadcasting, Feature Writing, Copyreading and Headline Writing, Science and Technology Writing Column Writing, Mobile Journalism.
Layon nitong mas palakasin pa ang kakayahan ng mga batang mamamahayag lalo na sa hamon ng mga naglipanang pekeng impormasyon alinsunod sa tema ngayong taon na “Navigating Truth in the Era of Artificial Intelligence: The Role of Responsible Campus Journalism Practices in Fighting Misinformation”. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨