
β
βCauayan City – Tumaas ng mahigit piso ang presyo ng petrolyo ngayong araw, February 17, 2026.
β
βSa inilabas na abiso ng ilang companies, tumaas ng 1.20 pesos ang gasolina.Β Kung matatandana, ito na ang ika-anim na linggo na tumaas ang gasolina.
β
βAng diesel at kerosene naman ay nasa 60 centavos kada litro ang itinaas, kung saan ito na rin ang ika-walong linggo ng pagtaas nito.
β
βSa Petron, ang kanilang Diesel Max ay nasa P57; ang Turbo Diesel ay nasa P59, Xtra Advance na nasa P55, habang ang XCS naman ay nasa P56.
β
βAng fuel save diesel sa shell ay nasa 63.70 pesos, ang V-power diesel ay nasa 72.70 pesos, ang Fuel save gasoline ay nasa 62.90 pesos, habang 63.90 pesos naman ang V-power gasoline.
β
βPara naman sa Eighteen V, nasa P50.30 ang diesel, P51.80 naman ang Premium at P51.50 naman sa Eco max.
β
βSamantala nitong nakaraang linggo ay sinabi na ni Ms. Rodela Romero, assistant director ng Department of Energy (DOE), na maaaring magdulot ang umiigting na geopolitical tension sa posibleng pagkaantala sa suplay dahilan ng pagtaas ng mga produktong petrolyo.
β
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










