Nakibahagi ang nasa mahigit kumulang labing dalawang libong Dagupeño para sa pagsulong sa kampanya ng LGU Dagupan City na Goodbye basura sa pamamagitan ng “Batik para Kalinisan na Dagupan” fun run.
Maagang nagsidatingan ang mga kalahok na Dagupeño at mga ahensya mula sa nasyonal na gobyerno para sa naturang fun run.
Naglalayon ang fun run na ito na patuloy na isulong ang kampanya sa wastong waste segregation upang maibsan ang problema sa basura sa dumpsite na animnapung taon nang krisis ng lungsod.
Bahagi rin ang isinagawang fun run na ito sa selebrasyon ng Bangus Festival na taunan ring ginaganap ng lungsod para sa pagbibigay kilala sa bangus na kanilang pangunahing produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments