Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan sa mga establisyimento sa lalawigan upang tiyakin na sumusunod ang mga ito sa Fair trade Law at iba pang panuntunan na pumoprotekta sa mga mamimili.
Nasa higit isang libo (1429) ang bilang ng establisyimentong nalibot ng tanggapan sa buong lalawigan para sa pagpapatibay ng kanilang pagbabantay sa kalidad ng produktong ibinebenta at at mabibili ng bawat konsyumer.
Inihayag rin ng tanggapan na nananatili pa rin mataas ang compliance rate o 99.58% ng mga business establishments sa lalawigan ang sumusunod sa Fair trade law at mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga mga konsyumer.
Samantala, tuloy-tuloy rin ang iba pang aktibidad at programa ng tanggapan tulad ng pagsasagawa ng mga programang makatutulong sa mga MSMEs sa lalawigan pati na rin ang patuloy na assessment para sa pagtitiyak ng compliance ng mga establisyimento. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨