Umabot na sa 1,888 ang food packs na naka-standby sa Alaminos City Satellite Warehouse ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 na posibleng gamitin para sa mga indibidwal na naapektuhan ng kalamidad.
Kahapon nasa 800 na family food packs ang dumating sa warehouse bilang karagdagan nang masiguro ang mabilis na pagresponde sa mga pamilyang maapektuhan sa Western Part ng Pangasinan.
Nasa, 394 naman na non-food items ang kasalukuyang bilang ng stockpile ang nasa nabanggit na warehouse.
Kahapon nagsawa ng pre-emptive evacuation ang ang CDRRMO Alaminos sa mga pamilyang nakatira sa Sitio Longos Barangay Pangapisan.
Tiniyak naman ng DSWD FO1 na handa ito sakaling hingiin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang tulong sa pamamahagi ng food packs ng mga naapektuhang indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨