𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Bahagi sa isinusulong na mga kampanya ngayong buwan ng Hunyo ng Kagawaran ng Kalusugan ay ang Dengue Awareness Month.

Sa lalawigan ng Pangasinan, nakapagtala ang tanggapan ng Provincial Health Office ng nasa mahigit limang daan o kabuuang bilang na limang daan at apatnapu’t-walong kaso ng dengue cases sa lalawigan mula January hanggang nito lamang June 3 ngayong taon.

Hinikayat naman ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang publiko sa pagsagawa ng 4 O’clock Habit upang sugpuin ang posibleng pamugaran ng lamok.

Paalala nang awtoridad ang ibayong pag-iingat lalo na at opisyal nang idineklara ang panahon ng tag-ulan kung saan isa ang kaso ng dengue sa posibleng naglipana ngayong panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments