𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗕𝗨𝗡𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜𝗢

Nasa halos anim na libong mga magsasaka sa Ilocos Region ang apektado ng nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa.

Higit tatlong libong mga ektaryang sakahan ang nakaranas ng epekto nito tulad na lamang ng pagkatuyo dahilan ang kawalan ng patubig.

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot sa 4.5 na milyong mga indibidwal sa bansa ang apektado ng umiiral ng El Nino.

Katumbas nito ang nasa 1, 181,568 families sa 6,017 na barangays sa mga rehiyon ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Cordillera Administrative Region, and BARMM.

Samantala, sa kalakhang Ilocos Region, nilinaw naman ni DA R1 Information Officer Vida Cacal na bagamat naitala sa Region 1 ang danyos na P152M sa agrikultura ay isang porsyento lamang ito sa kabuuang ektarya ng taniman sa buong Rehiyon Uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments