𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟰𝟰𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗧𝗔𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬

Tinatayang nasa PHP 442, 000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasakote ng awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Papagueyan, Binmaley.

Nasa limang plastic sachet ang nahuli dito at tumitimbang ng humigit kumulang 65 grams. Naaresto ang suspek na kinilalang si Jesus Rovillos, 48 anyos at isang barangay tanod at residente mula sa lungsod ng San Carlos. Nakumpiska rin dito ang 15 piraso ng one-thousand-peso machine copy bill bilang boodle money, dalawang cellphone at isang motor.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa PNP Binmaley at inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments