𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟱𝟬,𝟬𝟬𝟬 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦

Arestado ang dalawang suspek sa ikinasang anti-illegal drug operation ng PNP Alaminos at PDEA Regional Office 1. Itinago sa pangalang alyas Gemma at alyas Joel, ang mga suspek ay nahuli sa kahabaan ng New By-Pass road, Poblacion, Alaminos City.

Nakumpiska sa mga suspek ang siyam na sachet ng hinihinalang ilegal na droga at buy bust money. Nasa 8.8 grams ang timbang ng droga at nagkakahalaga ng tinatayang 59,840 pesos.

Isusumite ang mga nakuhang ebidensya sa crime laboratory para sa forensic operation. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Alaminos PNP ang mga suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments