𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟵𝟬𝗠 𝗞𝗔𝗕𝗨𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗩𝗘𝗟𝗜𝗛𝗢𝗢𝗗 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Ipinamahagi sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment ang kabuuang P90,114,219 na livelihood assistance sa iba’t-ibanag bahagi ng Pangasinan noong kasagsagan ng 2024 Labor Day Job Fair.

Iginawad ng tanggapan ang P10,020,510 para sa 2,170 benepisyaryo sa Central Pangasinan Field Office; P23,406,939 para sa 4,870 benepisyaryo sa Eastern Pangasinan Field Office; at P56,686,770 para sa 11,795 benepisyaryo sa Western Pangasinan Field Office.

Sa kabuuan, nasa 18,835 Pangasinense ang benepisyaryo ng trabaho na hindi bababa sa sampung araw depende sa magiging trabaho.

Ayon kay DOLE Region 1 Chief Administrative Officer Ronaldo De Vera, strategically chosen ang mga payout venues para sa libo-libong job seekers na kwalipikadong maging benepisyaryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments