Aabot sa higit pitong libong mag-aaral sa siyam na campus ng Pangasinan State University ang nagsipagtapos.
Sa naganap na 45th Graduation Ceremony ng unibersidad, pinakamaraming populasyon ng graduates ay mula sa PSU-Lingayen na may 1, 783; sinundan ng Bayambang na may 1, 388; 1, 127 naman mula sa San Carlos; 565 mula sa Alaminos; 544 sa Urdaneta City Campus, 395 sa Sta. Maria, Pangasinan Campus; 389 sa Asingan; Binmaley na may 363 at 105 mula sa Infanta Campus, habang mayroong nang naunang 35 graduated students sa una at gitnang semestre ng taon.
Sa Kabuuan nasa 7, 364 na mga estudyante sa nasabing unibersidad ang grumadweyt.
Sa naging mensahe ni PSU President Dr. Elbert M. Galas sa graduation ceremony, patuloy umano sanang itaguyod maging pagsasabuhay ng mga itinuro at iniwang mga pagpapahalaga sa core values upang maging kabahagi ang mga ito sa pag-unlad ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨