𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟭𝟬𝗞, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Laking gulat ng 19 – anyos na may-ari ng sari-sari store kinilala bilang si Cristel Tamayo matapos ibalita sa kanya ng isang customer na basag umano ang screen ng vending machine sa tindahan.

Agad nitong tinignan ang CCTV footage sa tindahan at doon napag-alaman na may dalawang hindi kilalang lalakihan ang bumasag sa vending machine at kinuha ang pera na nasa loob nito saka tumakas lulan ng motorsiklo.

Kita sa video na tanging mga paper currency lamang ang tinangay ng mga ito na nagkakahalaga ng P10, 2000. Samantala’y naiwan naman ang mga barya na tinatayang P2,023 ang halaga. Nasa P12,223 ang kabuuang laman ng vending machine.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, nasa edad 20-25 taong gulang ang mga suspek. Nagpapatuloy naman ang follow-up operation upang masampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek. /𝒊𝒇𝒎𝒏𝒆𝒘𝒔

Facebook Comments