𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟭𝟬𝗠 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗔𝗖𝗖𝗘𝗦𝗦 𝗥𝗢𝗔𝗗, 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗣𝗥𝗔𝗫𝗘𝗗𝗘𝗦, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Naipasakamay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang natapos na barangay access road sa barangay Centro Uno, Sta. Praxedes, Cagayan.

Ito ay pinondohan sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) at lokal na pamahalaan kung saan ay nagkakahalaga ito ng mahigit P10M.

Kabilang din sa proyekto ang paggawa ng concrete box culvert at line canal sa gilid ng daan.


Ang seremonya ay pinangunahan ni DSWD FO2 Regional Director Lucia Suyu-Alan katuwang ang mga opisyales ng LGU Sta. Praxedes, barangay officials, at ilang kawani ng ahensya.

Samantala, malaki umanong ambag sa pag-unlad ng nasabing bayan ang access road dahil magsisilbi itong daan ng mga magsasaka para sa pag-transport ng kanilang mga produktong pang-agrikultura sa merkado.

Facebook Comments