𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟭𝟱𝗠 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗡𝗔𝗥𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Tinanggap ng 82 kooperatiba ng mga magsasaka sa unang distrito ng La Union ang P15, 525,000 na halaga ng makinarya at kagamitang pansaka bilang tulong sa pagpapataas ng kanilang produksyon.

Ilan sa mga kagamitan na ipinamahagi ay hand tractor, pump engine set, shredder, multi-cultivator at portable rice mill.

Ayon kay Provincial Agriculturist Sharon Viloria, layunin na maibigay sa mga magsasaka ang karampatang suporta na magpapaangat sa sektor ng agrikultura ng lalawigan.

Kasabay nito, isinagawa rin ang distribusyon ng punla sa mga benepisyaryo na labis naapektuhan ng Bagyong Egay. Target na makamit ng probinsiya ang Heart of Agri-Tourism in Northern Luzon sa taong 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments