𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟯𝟬𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Sa pagpapatuloy ng mas pinaigting na kampanya kontra iligal na droga, arestado ang isang lalaki matapos mabisto sa kanyang pag-iingat ang hinihinalang iligal na droga sa Brgy. Estafania, Amulung, Cagayan.

Arestado ang suspek na kinilalang si Alyas “Dolphy”, nasa hustong gulang, at residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, sa bisa ng implementasyon ng Search Warrant ay nakuha sa pag-iingat at kontrol ng suspek ang 4 na piraso ng silyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na mayroong timbang na 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P340,000.


Maliban dito nasamsam din kasama nito ang isang aluminum foil strip, container box, rolled aluminum foil, used aluminum foil, plastic straw, improvised aluminum tooter, stick, improvised needle wrap na may aluminum foil, isang pakete ng transparent plastic sachet, cellphone, pouch, at pera na nagkakahalaga ng P175,920.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Amulung Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments