𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟰𝟬𝗠 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥

ILOCOS SUR – Tinanggap ng mga magsasaka sa lalawigan ng Ilocos Sur ang mga tulong pansaka mula sa Department of Agriculture – Regional Field Office 1 bilang suporta sa mga ito.

Nasa mahigit P43 milyon ang halagang naipamahagi na kinabibilangan ng mga agricultural machinery at equipment tulad ng hand tractors, harvesters, irrigation pump, at certified seeds.

Pinaalalahanan at hinimok ang mga magsasakang alagaan ang natanggap na mga tulong pansaka upang mapakinabangan ng mas matagal na panahon.

Layon ng nasabing pamamahagi na mapalakas pa ang produksyon ng mga inaani, mapataas ang kita at mas mapabuti ang kabuuang sektor ng agrikultura sa lalawigan. Samantala, patuloy na pinag-igting ang mga programa ng DA sa bigas, mais, livestock at marami pang iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments