
Cauayan City — Timbog ang isang High Value Individual (HVI) matapos masamsaman ng hinihinalang shabu sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation, ika-4 ng Enero sa
Tuguegarao City.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Badong,” 41 anyos, residente ng naturang lungsod. Ayon sa pulisya, ang suspek ay matagal nang nasa watchlist ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency at dati na ring nasangkot sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165.
Sa isinagawang operasyon, 6 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang narekober mula sa suspek. Ito ay may timbang na tinatayang 65 grams.
Nasamsam din ang buy-bust money na binubuo ng isang tunay na ₱1,000 bill at 149 piraso ng boodle money, isang Infinix Android cellphone, puting mail envelope, foot sack, isang bukas na plastic sachet, at isang motorsiklo.
Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Tuguegarao Component City Police Station para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










