Isinusulong ngayon sa kamara ng ikalawang kongresista sa lalawigan ng Pangasinan ang paglalaan ng sapat na pondo para sa patuloy na pagtataguyod sa sektor ng edukasyon sa lalawigan at sa buong bansa.
Iminungkahi ang halagang animnapung bilyon hanggang isang daan at dalawampu’t bilyong piso na budget na inaasahang ilalaan sa pagpapatayo ng mga school buildings sa higit dalawang daang distrito sa bansa.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay 2nd District Rep. Cong. Mark Cojuangco, sinabi nito na may kakulangan sa mga silid-aralan sa mga eskwelahan.
Aniya, maaaring kulang na ang lupa ng DepEd na pagtatayuan ng mga school buildings sa mga bayan sa ikalawang distrito kaya naman mas tinututukan ngayon ang inihahandang hakbang.
Samantala, bahagi pa ng adhikaing pang-edukasyon nito ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Project Pag-asa sa mga kwalipikadong iskolar ng distrito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨