𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟲𝟭𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧

Arestado sa ikinasang buy bust operation ng pinagsanib pwersa ng PDEA at pulisya ang Top Regional High Value Target sa bisa ng search warrant sa Bolinao, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Alfie Cazar Carreon, 40 anyos, residente ng Brgy. Salud sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, matagal nang minamanmanan ang illegal na aktibidad ng suspek. Nakumpiska sa kustodiya ng suspek ang dalawang plastic ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 9.05 grams at nagkakahalaga ng tinatayang P61, 540.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments