𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗦𝗜𝗬𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗕𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢

Nasa 9.31 kilos ng hinihinalang shabu ang natagpuang palutang -lutang sa 20 nautical miles mula sa Brgy. Balingasay, Bolinao.

Ayon sa isang mangingisda na nakatagpo sa hinihinalang shabu, nakasilid sa tatlong plastic ang tila puting pulbos nang matagpuan ito. Dahil sa pangamba nito, agad na isinuko ang naturang plastic sa barangay council.

Isasailalim sa pagsusuri ang hinihinalang illegal na droga.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng kapulisan ang mga barangay council na ireport ang kahina-hinalang illegal na aktibidad upang mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments