𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔, 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗥𝗘𝗖𝗥𝗨𝗜𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗔𝗟

Nasa higit tatlong daang trabaho sa ibang bansa ang maaaring pasukan ng mga naghahanap ng trabaho sa isasagawang Special Recruitment activity sa bayan ng Sual.

Isasagawa ang Special Recruitment Activity sa June 18 hanggang 19 ngayong taon kung saan hatid ng Public Employment Service Office ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang isang inkorporasyon.

Bahrain, Papua New Guinea, Qatar, Saudi Arabia, at United Arab Emirates ang mga bansang maaaring lugar na mapuntahan ng mga aplikante.

Magsisimula ang aktibidad mula alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon sa Lobby ng Sual Municipal Hall Building at dalhin ang mga updated resume sa mga interesadong aplikante. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments