Nasa mahigit tatlong daang mga election candidates sa lalawigan ng Pangasinan ang nakapaghain na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa magaganap na National and Local Elections and BARMM Parliamentary Elections sa May 2025.
Sa datos ng COMELEC Pangasinan, isa Pa lamang ang may kandidatura sa pagkagobernador at isa rin sa bise-gobernador. Mayroong labintatlong ang nakapaghain na sa posisyon ng Sangguniang Panlalawigan Board Members, at may tatlo na ring may COC sa District Representatives.
Sa kabuuan, tatlumpo’t-isa na sa lalawigan ang naghain para sa posisyon sa alkalde, habang mayroong tatlumpo naman sa pagkabise-alkalde.
Naitala na rin ang dalawampu’t-walong mga kandidato sa pagkakonsehal sa mga lungsod at dalawang daan, at dalawampu’t-tatlo naman sa munisipalidad. Magtatapos ang COC filing hanggang sa ika-8 ng Oktubre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨