Aabot sa 3.1 milyong piso ang inilaan ng Department of Education Ilocos Region para sa pagpapaayos ng mga apektadong silid-aralan sa Region 1 sa nagdaang habagat at Bagyong Carina.
Ayon sa DepEd Region 1, nasa anim na schools sa Batac City, 34 sa Candon City, 28 sa Dagupan City, 13 sa Ilocos Norte, siyam sa Laoag City, at 19 sa Vigan City ang naitalang nasira dahil sa sama ng panahon.
Nasa 299 na classrooms ang nakapagtala ng minor damage, 188 ang may major damage samantalang 65 classrooms ang tuluyang nasira.
Mula sa halos dalawang libong silid-aralan Nauna nang naisaayos ang 130 na silid-aralan sa rehiyon.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang kanilang pagsasaayos ng mga naturang pasilidad kahit pa nagbukas ang klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨