π—›π—œπ—šπ—œπ—§ π—§π—”π—§π—Ÿπ—¨π— π—£π—¨π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—” π—¨π—‘π—œπ—’π—‘, π—”π—£π—˜π—žπ—§π—”π——π—’ π—‘π—š 𝗔𝗦𝗙

Umakyat na sa higit tatlumpung (30) mga barangay sa lalawigan ng La Union ang naapektuhan ng African Swine Fever o ASF.

Sa tala ng Regulatory Division ng Department of Agriculture Regional Field Office 1, hanggang nito lamang August 22, 2024, pinakamaraming barangay na naapektuhan ng ASF ay mula sa bayan ng Balaoan, sinundan ng Luna na may walong barangay na apektado, tatlo sa Rosario, at isa sa Bangar at San Fernando City.

Sa kabuuan, mayroong nang isang libo, anim na raan at tatlumpong-pitong (1, 637) mga baboy ang isinailalim na sa culling operation upang maiwasan ang tuluyan pang pagkalat ng sakit.

Nasa dalawang daan at animnapu’t-tatlo (263) na rin ang naitalang naapektuhang mga hog raisers sa lalawigan.

Patuloy na isinagawa ang mga culling operations at disease surveillance, maging ang cleaning at disinfection bilang pagtugon sa banta ng ASF sa mga bara-barangay sa La Union. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments