𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗥𝗜𝗔𝗟𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Ipinamahagi sa mga Child Development Centers (CDC) sa San Carlos City ang nasa higit walong libong reading materials mula sa proyekto ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) at City Library ng Lungsod.

Nasa pitumpu’t limang Child Development Centers ang nabigyan ng mga naturang libro kung saan malaking bahagi sa pagkatuto ng mga batang mag-aaral lalo sa sangay ng pagbabasa.

Pitumpu’t limang big books rin ang ipinamahagi sa mga guro upang mas matulungan ang mga ito sa kanilang pagtuturo.

Layon ng proyekto na mabahagian ng tulong ang mga guro at mag-aaral upang mapabuti pa ang pagkatuto at pag-aaral sa pamamagitan ng mga pisikal na kagamitan tulad ng reading materials. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments