𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝗞 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘

Nakatanggap ang mga senior citizens sa bayan ng Mangaldan ng cash assistance mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Kabuuang isang libo at limang daan (1,500) ang naging benepisyaryo ng nasabing payout na na pinangasiwaan ng tanggapan ni 4th District Representative Cong. De Venecia katuwang ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan.

Hatid sa mga seniors ang tulong pinansyal na maipambibili ng mga ito ng kanilang kinakailangang gamot lalo na para sa mga maintenance medication.

Samantala, sa kabilang dako naman ukol pa rin sa kapakanan ng mga senior citizen ay ang isinusulon ngayong mosyon sa senado na pagpapaalis ng Senior Citizen’s Purchase Slip Booklet para magamit ang 20% discount sa pagbili ng mga gamot at mga basikong pangangailangan ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments