𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟬𝟬𝗞 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛

Ipinahayag ni DOH-CHD-1 Regional Director Dr. Paula Paz Sydiongco ang nasa 104,281 na bata ang target na mabakunahan sa kampanya nitong “Everyday Bakuna Day”.

Mula Lunes hanggang Biyernes ay maaari nang magpabakuna o dalhin ng mga magulang sa mga health centers ang kanilang mga anak at hindi na kailangang hintayin ang araw ng Miyerkules na siyang madalas na schedule ng bakunahan sa mga bayan at barangay.

Binigyang-diin ni Sydiongco ang kahalagahan ng immunization sa proteksyon ng isang bata laban sa mga sakit tulad ng hepatitis B, poliovirus, diphtheria at pertussis.

Kaugnay nito, nauna nang ipinahayag ni Dr. Rheuel Bobis na libre ang mga bakuna sa mga government hospitals at health centers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments