Inalis na sa listahan ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ang aabot sa mahigit isang daang libong botante dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Sa ekslusibong panayam ng iFM Dagupan kay COMELEC Pangasinan, Provincial Election Supervisor, Atty. Marino Salas, isinaad nito na ang madalas na dahilan ay ang hindi pagboto sa dalawang magkasunod na pagkakataon, pagkamatay, at ang mga lumipat ng tirahan.
Sinabi rin ni Salas, na nalampasan na ng tanggapan ang target na 70,000 na mairehistro dahil pumalo na sa 100,000 indibidwal ang kanilang mairehistro sa nagpapatulog na voter’s registration.
Sa kabuuan, nasa 2,150,000 na ang rehistradong botante sa buong lalawigan.
Magtatagal ang voter’s registration hanggang ika-30 ng Setyembre ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨