Pumalo sa higit labintatlong milyong piso ang naitalang danyos sa dalawang magkasunod na insidente ng sunog sa lungsod ng Dagupan.
Matatandaan na unang sumiklab ang sunog sa isang establisyimento sa AB Fernandez Avenue na umabot sa higit labindalawang Oras na pag-apula sa apoy at tinatayang nasa P13, 500, 000 ang inisyal na halaga ng pinsalang naitala.
Nasa mahigit P15, 000 naman estimated damage ng mga barong barong na natupok ng apoy sa isang compound sa Brgy. Pantal, Dagupan City.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa dalawang insidente at sanhi ng sunog.
Paalala ng BFP Dagupan, mainam na tingnang maigi ang mga electrical wirings sa mga kabahayan at mga establisyimento lalo ngayong panahon ng tag-ulan na posible pa rin ang paglaganap ng sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨