𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟰𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗧𝗢𝗗𝗔 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠

Sasailalim sa sampung araw na cash-for-work program ang higit 1,400 na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Mangaldan sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged Displaced/ Workers o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Isinagawa ang profiling at validation sa mga ito ng DOLE Central Pangasinan kung saan susunod na isasagawa ang orientation sa pagsisimula ng kanilang community service.

Babayaran ang mga ito ng 4, 350 sa sampung araw na pagtatrabaho sa kanilang barangay. Tatanggap din ang bawat benepisyaryo ng personal protective equipments (PPEs).

Kaugnay nito, hinihikayat ang mga colorum tricycle drivers sa bayan na magparehistro upang makatanggap ng mga benepisyo mula sa gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments