𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟰𝟯𝗞 𝗡𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗡𝗢 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang Agno River kasama na ang tributaries nito dahil sa posibleng pagtaas ng tubig sa ilog.

Ayon sa tanggapan nasa 143, 118 estimated population sa probinsiya ang maaring makaranas ng pagbaha base sa 100-meter danger zone o 100-meter na pag-apaw ng tubig magmula sa ilog.

Ang naturang bilang ng populasyon ay mula sa 24 na bayan at 331 na barangay sa lalawigan. Kabilang sa mga bayan na maaring magkaroon ng pagbaha ay ang Aguilar, Bugallon, Labrador, Lingayen, Mangatarem, Urbiztondo, Binmaley, Aguilar, Bayambang, San Carlos City, Dagupan City, Alcala, Bautista, Sto. Tomas, Villasis, Asingan, Rosales, San Nicolas, Sta. Maria, San Manuel, Natividad, Tayug, Balungao, Rosales at San Quintin.

Dahil dito, nagpaalala ang tanggapan sa mga residente sa nabanggit na lugar na maging mapagmatyag sa oras na makapagtala ng pagtaas ng tubig sa naturang ilog.

Hinikayat rin ang mga ito na sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan para sa paghahanda at paglikas kung kinakailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments