π—›π—œπ—šπ—œπ—§ πŸ­πŸ±π—ž π—œπ—‘π——π—œπ—•π—œπ——π—ͺπ—”π—Ÿ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—” π—¨π—‘π—œπ—’π—‘, π—”π—£π—˜π—žπ—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—¦π—” π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’π—‘π—š π—žπ—₯π—œπ—¦π—§π—œπ—‘π—˜

Umabot ng 5,358 pamilya o katumbas ng 15,732 indibidwal sa La Union ang naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, lubhang naapektuhan ang mga bayan ng Luna, Bangar, Balaoan, San Juan, Rosario, Bacnotan, Burgos, Aringay, Caba, Bauang at San Fernando City.

Nasa 844 pamilya o katumbas ng 2,437 indibidwal ang kasalukuyang nasa apatnapung evacuation centers. Nagsimula nang mamahagi ng relief packs ang mga ahensya ng gobyerno sa mga residenteng nasa evacuation centers. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments