𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟱𝟬𝗞 𝗖𝗢𝗥𝗡 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗦𝗕𝗦𝗔

Nakatakdang makikinabang ang mga rehistrado nang corn farmers sa buong Region 1 sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng Department of Agriculture (DA).

Kabuuang bilang na 152, 291 na mga magsasaka ng mais ang RSBSA registered na, ayon sa pinakahuling datos ng ahensya.

Kaugnay pa nito, naglaan ang DA ng higit P300M para sa corn program sa Ilocos Region na makatutulong upang mapaunlad pa ang sektor ng maisan.

Samantala, patuloy na inihahanda ng ahensya ang mga programang nakapaloob dito upang ilunsad at mabenipisyuhan ang mga registered corn farmers ng Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments