Aabot sa 1,500 na iba’t-ibang uri ng fruit bearing trees ang sabay-sabay na itinanim sa mga kabundukan ng Region 1 sa taunang Tree Planting Activity Ng National Irrigation Administration Region 1.
Sa naging mensahe ni NIA Region 1, Regional Manager Danilo V. Gomez, kinakailangan umanong pagtuunan ng pansin ang kalikasan na siyang katuwang sa pang araw-araw.
Layunin ng aktibidad na maipakita ang kahalagahan ng pagtatanim sa mga kabundukan upang makatulong sa epekto ng climate change.
Katuwang ng tanggapan ang iba pang ahensya ng gobyerno sa naturang adbokasiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments