𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟳𝟴 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗚𝗨𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Nasa 178 na pamilya o katumbas ng tatlong daan at apatnapu’t-apat na indibidwal ang inilikas sa lalawigan ng Pangasinan bago ang hagupit ng Bagyong Pepito sa probinsya.

Ang mga ito ay Kasalukuyang nanatili sa mga tinukoy na evacuation centers sa iba’t ibang bayan at lungsod sa probinsya.

Ilan lamang sa mga nagsagawa ng pre-emptive evacuation ay ang Alaminos City, Sual at Binmaley na coastal areas.

24/7 naman na nakaantabay ang hanay ng Pangasinan PDRRMO para sa posible pang i-rescue na mga residente sa gitna ng pananalasa ng bagyo sa lalawigan.

Siniguro ng PDRRMO na Naka-preposisyon na ang lahat ng mga kakailanganing kagamitan tulad ng rescue assets at heavy equipment maging sa lahat ng DRRMs sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments