𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝟬𝟬 𝗠𝗘𝗧𝗥𝗜𝗞𝗢 𝗧𝗢𝗡𝗘𝗟𝗔𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗜𝗡, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔𝗟𝗧 𝗙𝗔𝗥𝗠

Nasa mahigit dalawandaang metrikong tonelada na ang naani sa kasalukuyan sa nagpapatuloy na Pangasinan Salt Farm na matatagpuan sa Barangay Saragoza, Bolinao.

Matagumpay ding iginawad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang Foreshore Lease Extension ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bunsod ng maayos na pamamahala ng PGP sa salt industry.

Matatandaan na nasa 15k metric tons ng asin ang target na ma-harvest sa ikalawang production cycle nito ngayong taong 2024, mas mataas kumpara sa target na 10k metric tons sa unang anihan nito nakaraang taon lamang.

Samantala, nananatiling isa sa top salt producer ang lalawigan ng Pangasinan sa buong Pilipinas at kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagtugon ng salt crisis na kinakaharap ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments