𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝟬 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗥𝗘𝗗 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Higit 20 indibidwal ang kabilang sa unang batch ng hired on the spot o HOTS sa isinagawang Kalayaan Job Fair ng Department of Labor and Employments Office Regional Office 1 kasabay ng Araw ng Kalayaan.

Ilan sa mga ito, nakakuha ng trabaho overseas at karamihan naman ay natanggap sa mga establisyimento sa Ilocos Region.

Sa abisong inilabas ng tanggapan, nasa 85 employers ang nakiisa at naglahad ng 12,213 bakanteng posisyon sa apat na lokasyon sa bawat lalawigan sa rehiyon.

Kasabay ng Kalayaan Job Fair ay isinagawa rin ang Kadiwa ng Pangulo at One-Stop Shop Services sa iba’t-ibang government agencies tulad ng Pag IBIG, SSS, Philhealth, PRC, TESDA at DFA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments