𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝟬 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗗𝗘𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Pumalo na sa higit 20 milyon ang nakumpiskang iligal na droga ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Rechie Camacho, Provincial Director ng PDEA Pangasinan,mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon nasamsam ng ahensya ang higit 15 milyong halaga ng marijuana at 4.6 milyon na shabu.

22 rin ang naaresto ng ahensya na high value targets kabilang na ang isang elected official sa bayan ng Agno.

Samantala, naghahanda na ang ahensya sa mga estratehiya nito na tututok sa 100 coastline barangays ng probinsya upang maiwasan ang pagpasok ng kontrabando na idinadaan sa mga karagatan matapos ang serye ng pagkakadiskubre ng mga lumulutang na iligal na droga sa Ilocos Sur. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments