Umabot sa 258.8 kilograms ng basura ang nakolekta sa coastal clean-up drive ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office 1 na ginanap sa karagatang sakop ng Sto. Tomas, La Union.
Nasa 70 volunteers mula sa tanggapan ang nakiisa sa paglilinis sa karagatan na sakop ng barangay Casantaan at Narvacan. Ang mga nakolektang recyclable at residual wastes ay dumaan sa segregation bago hakutin patungo sa landfill area o dumpsite sa bayan.
Kaugnay nito, patuloy ang kampanya ng tanggapan sa kalinisan at seguridad sa mga baybayin sakop ng Ilocos Region sa aktibong pakikipag-ugnayan sa mga coastal communities. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments