Cauayan City – Sinira at pinagpipitpit gamit ang pison ang mga kagamitang walang sertipikasyon na nakumpiska ng Department of Trade and Industry Isabela, kahapon ika-11 ng Oktubre.
Ang isinagawang disposal of uncertified products ay personal na sinaksihan ni DTI Regional Director Ma. Sofia Narag at ni DTI-Isabela Provincial Director Ramil Garcia kasama ang iba pang kawani ng DTI-Region 2 at DTI-Isabela.
Ayon sa DTI-Isabela Consumer Protection Division Chief na si Elmer Agorto, umabot sa 2,712 ang bilang ng iba’t-ibang uncertified products katulad ng lighters, electrical appliances, motorcycle inner tube, ang kanilang nakumpiska sa 15 establisyemento sa buong lalawigan.
Samantala, ipinaliwanag din ni Ginoong Agorto na hindi maaaring basta-basta na lamang i-donate o ipamigay ang mga nakumpiskang produkto lalo na kung ito ay maaaring magdulot ng panganib sa buhay ng isang tao.