𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟯𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗛𝗬𝗕𝗥𝗜𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜𝗡𝗕𝗥𝗘𝗗 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗘𝗘𝗗𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔

Matagumpay na tinanggap ng higit tatlong libong mga magsasaka sa bayan ng San Nicolas ang libreng hybrid and inbred rice seeds mula sa Department of Agriculture.
Sa datos kabuuang, 3, 281 na mga eligible na magsasaka ang tumanggap ng nasabing tulong mula sa DA sa pamamagitan din ng lokal na pamahalaan ng bayan.
Ang mga benepisyaryo sa bayan ay kinabibilangan ng mga nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at mga nasa listahan ng Rice Seed Monitoring System (RSMS) mula naman sa 32 na barangay ng bayan.

Samantala, magtatagal ang distribusyon hanggang ika-13 ng Disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments