Aabot sa higit 4,000 na Pangasinense na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ang tumanggap ng kanilang sahod.
Kahapon, pinangunahan ng Department of Labor and Employment Region 1 ang payout sa bayan ng Calasiao.
Ayon kay DOLE Region 1, Director Exequiel Ronie A. Guzman, layunin ng programa na mabigyan tulong ang mga Pilipinong walang trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang serbisyo ng sampung araw kapalit ang pinansyal na tulong na ipinagkaloob ng pamahalaan.
Kabilang din ang mga residente ng Mapandan,Mangaldan, Bayambang, San Carlos City, Sta. Barbara, San Jacinto at Manaoag sa napaglaanan ng pondo para sa TUPAD.
Binigyang diin naman ni Pangasinan Governor Ramon Guico III, na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng probinsya sa ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng mga proyektong tutulong sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨