𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟰𝟴,𝟬𝟬𝟬 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗗𝗢𝗦, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 “𝗠𝗔𝗥𝗖𝗘”

Cauayan City – Umabot na sa higit 48,000 indibidwal mula sa Lambak ng Cagayan ang naapektuhan ng hagupit ni Bagyong “Marce”.

Ito ay base sa isinagawang monitoring ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 kung saan 15,916 na pamilya na binubuo ng 48,882 na indibidwal mula sa tatlong lalawigan sa Lambak ng Cagayan ang naitalang naapektuhan ng naranasang sakuna.

Pinakamataas na porsyento sa mga apektado ay mula sa Lalawigan ng Cagayan kung saan 15,518 pamilya na binubuo ng 47,629 na indibidwal ang direktang naapektuhan, sinundan naman ito ng Lalawigan ng Isabela na nakapagtala ng 371 na pamilya na binubuo ng 1,112 affected individuals, habang pumangatlo ang lalawigan ng Batanes na nakapagtala ng 27 pamilya na binubuo 81 indibidwal na apektado.


Bilang pagtugon, namahagi na ang ahensya ng food and non-food items sa mga apektadong residente mula sa mga nabanggit na lugar.

Sa kasalukuyan, nananatili pa ring sapat ang bilang ng mga Food and Non-Food Items na nasa imbakan ng DSWD Field Office 2 at mga LGU’s at nakatakdang magpatuloy ang pamamahagi ng relief packs para sa mga nasalanta ng bagyong “Marce”.

Facebook Comments